Entertainment

Awkward, teh!

Gretchen, Atong Ang, Tonyboy

At dahil malapit na ang Valentine’s Day, balikan natin ang escapade ng ating paboritong showbiz Diyosa na si Gretchen Barretto. One year ago, na-sightan ng ating mga sosyalera informers si La Greta at ang kanyang bae na si Tonyboy Cojuangco sa isang pre-Valentine’s party. Wala namang kaso ngunit napansin ng ating mga informer na may-I-appear din si Charlie “Atong” Ang of jueteng fame.

Maraming chismosang nagbubulong na may nabubuong magandang samahan sa pagitan ni La Greta at ni Atong, at hindi daw tungkol sa negosyo ito. Naku, La Greta! Repeat ba ito ng Dody Puno episode? O ng John Estrada series?

Kung tatanungin ang mga miron, ilang beses nang nakita si La Greta sa mga restaurant na ‘-ka-meeting’ si Atong…at wala si bae Tonyboy. Luh.

Abangan na lang natin girls ang mga susunod na kabanata.

Previous ArticleNext Article