Entertainment

Sinetch si Atty. Phen David sa buhay ni Janet Napoles?

Kung si Congresswoman and former President Gloria Macapagal Arroyo ang sole survivor ng Lola of the Year Award for 2016, puwes, February pa lang ay mukhang may strong contender na para nakawin ang korona para sa taong 2017.

Bongga news today ang pagsuporta ng Office of the Solicitor General sa acquittal ni Lola Jenny (yes, yan ang preferred namesung ng lola niyo) sa kasong serious illegal detention kung saan star witness ang dati niyang tao at all-around chuwariwap na si Benhur Luy. Kinagulat ng madlang pipol ang balita, at binash ng bongga si Solicitor General Joe Calida dahil sa pagtatanggol nito…este…pagpapaliwanag kung bakit todo-support ang administration na gawing free as a (jail) bird ang peg ni Lola Janet.

Mga bes, bakit nga ba tayo nagtataka? Eh pati mga naglilinis sa Malacanang, alam ang dahilan.

Meet Atty. Stephen David. Oo mahilig siyang mag-selfie.

Selfie pa-more!

Si Atty. Phen ay husbandry ni Atty. Lanee Cui-David, na appointee ni Tatay Digong as Deputy Commissioner ng BIR. Pero bago siya rumampa si Ateng Lanee sa BIR, ang source of livelihood ng mag-asawang David ay ang law firm nila na ang title ay David, Cui-David, Buenaventura and Ang. Sounds family, bes? Enter, Sosyalerang Bebe Guhr Jeane Napoles!

Yes, bes. Abogado ni Sosyalerang Bebe Guhr Jeane ang mag-asawang David sa hinaharap nitong tax evasion cases. At sino nga ba ang nagtutulak ng tax evasion cases? No other than BIR! Kaway kaway diyan, DepCom Lanee! Conflict of interest much?

“Kasi ano…tapos yun. Gets?”

But wait, there’s more! Sila rin ang mga abogado ni Lola Janet sa mga pork barrel cases nito sa Sandiganbayan. At itong si Atty. Phen, laman ng palasyo ng Malacanang mula ng naging Best President ever si Tatay Digong. Sino ang source namin, baka chika lang yan, Inday? Aba, si Atty. Phen mismo! Dahil bes, ang hilig mag post ni Atty. Phen sa kanyang Facebook ng mga rampa moments niya sa Malacanang.

Midnight na!

Closing na po. Wala na pong tao.

Sobrang hard-working yang si Atty. Phen. Biruin mo, ginagabi na sa Malacanang! At parang curacha na walang pahinga sa pag-attend at pagpresent sa mga Cabinet meeting, kahit hindi siya cabinet secretary, undersecretary, assistant secretary, social secretary at anu-ano pang secretary diyan. In fact, hindi siya government official or employee man lang. Pati sa mga foreign trips, kasama si Atty. Phen sa official delegation. Move over, Pambansang Photobomber Bong Go!

#SquadGoals

O, may kyeme pang pasasalamat daw. Ano namang ang hiningi mong pabor kay Tatay Digong, aber?

You name it, Phen is there: cabinet meeting, cabinet cluster meeting, state visit, dentist visit, videoke session, leche-ka-gusto-kong-mapagisa moment, punyeta-asan-na-ba-ang-PSG-para-palayasin-ang-unggoy-na-ito moment, char!

Nagfefeeling na part ng cabinet

Sabi ng mga miron naming PSG, madalas daw umiinit na ang ulo ni Tatay Digong dahil sa presence ni Atty. Phen. Nuknukan daw ang kulit sa mga inilalapit nitong problema. Mabait lang daw si Tatay Digong kaya hinaharap pa rin, pero marami ng cabinet secretary ang na-victim nitong si Atty. Phen na bigyan siya ng pabor dahil “aprub kay PRRD.” In fact, iniiwasan na nga raw ng mga cabinet secretary na makausap itong si Atty. Phen pagkatapos ng mga meeting dahil siguradong may bagong pabor na namang hihingin ito. Attack of the Abusado ang peg ni attorney.

“Pa-pa-ra-pa-pa, love ko ‘to.”

So do the math, madlang pipol. Bilyonaryang kliente in trouble because of Pangulong Panot + BFF status with Tatay Digong = the return of the comeback of Janet Napoles.

Special mention sa PCIJ. Galaw galaw ng konti, investigative journalists! Nasa Facebook account lahat ng ito ng magasawang Lan Phen David, hindi niyo nakita? Juicekelerd!

“Pare, picture naman divan!”

 

Previous ArticleNext Article