Government

Dadalhin na sana ang biktima sa hospital, kaso binaril pa ng pulis Mandaluyong. Anyare, PNP?

Dadalhin na sana ang biktima sa hospital, kaso binaril pa ng pulis Mandaluyong. Anyare, PNP?

Tikum bibig ngayon ang mga DDS over the police shooting mishap sa Mandaluyong City which resulted to the death of Jonalyn Ambaon and Jomar Hayawon and the injury of two others Thursday evening.

Instead na ma save ang buhay ni Ambaan dahil nabaril ito ng isang di pa nakilalang suspect ay siya pa at ang kanyang kasama ang nabaril ng mga pulis.

Dadalhin sana si Ambaan sa ospital sakay ng isang sasakyan mula sa mga taong nagmagandang-loob na tumulong sa kanya kaso pinaputukan ito ng mg pulis.

Nauna nito, tinugis at pinagbabaril din ng mga tanod ang sasakyan.

May baril ang tanod? Pwede ba iyon?

At bakit binaril ng mga pulis ang sasakyan kasama na ang mga tao sa loob?

Dahil din sa maling info ng tanod.

So ano na ngayon?

May nakulong ba?

Wala (pa).

Inalis lang sa puwesto si Mandaluyong City police Chief Senior Superintendent Moises Villaceran Jr. kasama na ang 10 nitong tauhan na sina:

  • Senior Inspector Maria Cristina Vasquez
  • Police Officer 2 Nel Lemuel Songalia
  • Police Officer 1 Alfred Uribe
  • Police Officer 1 Jave Arellano
  • Police Officer 1 Tito Danao
  • Police Officer 1 Mark Castillo
  • Police Officer 1 Julius Libuen
  • Police Officer 1 Bryan Nicolas
  • Police Officer 1 Albert Buwag
  • Police Officer 1 Kim Rufford Tibunsay.

“We have ordered the administrative relief of the 10 including the team leader. For the meantime, the chief of police of Mandaluyong was also relieved,” ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde on Friday.

 

Sa tanong naman if there was a lapse on the part of the responding policemen, sabi ni Albayalde ay most likely meron.

“Halos 36 shells ‘yung na-recover natin. We’ll see (if there is a lapse but) we are not discounting the fact na may paglabag ng police operational procedures.”

Bakit kaya humantong tayo sa ganitong eksena?

“nakaka galit, nakapanlulumo… we know incidents like this is coming. we let loose violence over rule of law. we cultivated the shoot first mentality. we justified it by categorizing the early casualties as deserving for being scums of the earth. but that mentality, that culture of violence will sooner or later starts committing mistakes with innocents as victims. now we have this… and sadly this wont be the last.”

Ito ang reaksyon ng isang netizen.

Ang tanong: Ilan pa kaya na ganitong eksena ang maghihintay sa atin by 2018 under Duterte’s so-called “shoot, shoot policy’? 

 

Previous ArticleNext Article