Government

‘Nasayang lang ang boto. Ang boto na sagrado. Sa halip na pagbabago, kapalit ay impiyerno.’

'Nasayang lang ang boto. Ang boto na sagrado. Sa halip na pagbabago, kapalit ay impiyerno.'

Naloko Blues

Lahat ng naniwala
Na ang droga’y maglalaho
Ngayon ay tulala
Pagkat sila ay nauto

Tatlo hanggang anim na buwan
Ang pangakong susugpuin
At s’ya daw ay magreresign
‘Pag ‘di n’ya kayang gawin.

Koro:
Naloko, naloko, naloko
Na naman ang taumbayan
Naloko, naloko, naloko
Libu-libo na’ng pinaslang.
(Ng pasistang hangal)

At s’ya rin ang nagsabi
“Huwag na tayong magbolahan
Ang droga’y mananatili
At hindi mawawala ‘yan.”

Karapata’y sinisikil
Korapsyon ay walang tigil
Mas maraming pinapatay
Kesa sa hanapbuhay.

(Ulitin ang Koro)
Nasayang lang ang boto
Ang boto na sagrado
Sa halip na pagbabago
Kapalit ay impiyerno.

Koro 2:
Naloko, naloko, naloko
Ang maraming deboto
Naloko, naloko, naloko
Ang poon pala’y demonyo.

Naloko, naloko, naloko
Kailan tayo matututo?

DFF/ QC/ 12-19-17

Mula kay Danny Fabella, sikat na composer, singer and artist.

Ang tanong: Sa 2018, ‘Naloko Blues’ parin ba ang pambansang himig natin under Duterte?

 

Previous ArticleNext Article