Government

Ano ang panawagan ni Magdalo Rep. Alejano para sa mga bagong PMA officials sa gitna ng P16-B frigate scandal under Duterte

Ano ang panawagan ni Magdalo Rep. Alejano para sa mga bagong PMA officials sa gitna ng P16-B frigate scandal under Duterte

Napakaswerte ng ating bansa kasi may natitira pa na mga matatapang at matitino na mga opisyales na ang tanging hiling ay ang isang malinis at maunlad na Pilipinas.

Si Magdalo Rep. Gary Alejano ay maituturing natin na isa sa mga “few good men” whom we pinned our hopes and aspirations for a graft-free country.

Malaki ang ating pagpapasalamat kay Rep. Alejano for leading the inquiry on the controversial P16 billion Frigates Acquisition Project (FAP) of the Philippine Navy which allegedly involved Pres. Duterte’s top aide Bong Go.

Sa gitna ng eskandalo na ito, nanawagan si Rep. Alejano sa mga new PMA officials na maging loyal sa kanilang tungkulin sa bayan sa anuman na sitwasyon.

BASA:

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA BATANG OPISYAL NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS

PMA Alumni Homecoming na naman (17 Feb 2017). Ito ang panahon na ang mga graduates ng Philippine Military Academy (PMA) mula sa matatanda at mga bagong tenyente ay umaakyat sa Baguio upang makapagkwentuhan sa mga kaklase at kaibigan na matagal nang hindi nagkikita.

Ito rin ang panahon na sinasariwa ang ideals na tinuro ng PMA lalong-lalo na ang motto nitong “Courage, Integrity, and Loyalty”. Ang biruan nga rito ay nag “renew” sa PMA. Renew, dahil ‘pag ang ang isang opisyal ay nagtapos na sa PMA at nababad sa field parang dahan-dahang nawawala ang values na natutunan nito. Kaya kailangan mag “recharge” muna sa PMA.

Nakakalungkot mang isipin pero marami rin sa graduates ng PMA ang kinain na ng bulok na sistema at pasimuno sa kapalpakan at pangungurakot sa pwesto sa gobyerno. Ang masaklap pa, sila pa ‘yung namamayagpag sa pwesto at nagpapakita ng karangyaan sa buhay.

Ang iba sa kanila ay hayagan pang dini-display ang mamahaling sasakyan at bagong “chicks” sa harap ng mga batang opisyal at kadete. Kaya di malayong pamarisan ito ng iilan.

Naalala ko noong kami ay kadete pa lamang, maraming isyu ng kurapsiyon, involving PMAyers ang gumambala sa amin. Parang di ko matanggap na sa kabila ng tinuturong ideyalismo sa amin sa Academy, pagmamahal sa bayan, at pagiging tapat sa tungkulin ay di pala sapat upang lamunin sa kalaunan ang iilan ng bulok na sistema.

Ito ang pumukaw sa aming damdamin at isipan. Malaki ang challenge sa isang graduate ng PMA na i-maintain ang ideyalismong ito habang papaakyat sa hagdanan ng kanyang karera. Dahil sa panganib na ito, nangako kaming maging mapagmatyag, iwasan ang kurapsiyon, at mabuhay ng simple ayon sa aming kakayanan.

Sa kamulatang ito nagsimula akong maging kritikal noong nagtapos ako sa Academy sa mga bagay-bagay na tingin ko ay taliwas sa tinuro sa amin lalo na sa isyu ng kurapsiyon sa serbisyo. Ang hindi ko inaasahan ay mayroong interes akong maaapakan dahil hindi kaila na talagang mayroong nagpapayaman sa serbisyo.

Ikaw pa ang lalabas na masama kahit nilalabanan mo lamang ang katiwalian para sa kapakanan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ang iba ay ninais na lamang lumabas ng serbisyo dahil sa frustration. Ang nakakalungkot ay mayroong iba na nakiayon at nakisabay na lamang sa agos ng panahon.

Kaya naiintindihan ko ang dinadanas ng ilang mga opisyal sa Army, Navy at Air Force man. Marami sa kanila ang nalalagay sa isang sitwasyon na tinatawag na “damn if you do, damn if you don’t”.

Damn if you do kasi pag pumayag ka sa mali, malaki ang posibilidad na haharap ka sa kaso o makulong balang araw kahit ang nakinabang naman ay ‘yung hindi nakapirma sa mga dokumento. Damn if you don’t dahil kung hindi ka sasang-ayon, sisirain naman ang iyong karera sa serbisyo.

Maaring gawan ka ng kaso upang hindi mapromote o mabigyan ng pwesto. Kaya ang tanong ay saan sila pupunta? Gagawa ng tama at hindi aangat sa pwesto o sasang-ayon sa mali at masira ang kanilang pagkatao? Papayag ka na lang ba na sa kalauna’y maging isang taong kinamumuhian mo noong ikaw ay tenyete pa lamang?

Ito ang kinalalagyan ng mga opisyales na kasama sa Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy. Ang mga opisyal na ito ay ginawa nila ang kanilang makakaya para sa ikakabuti ng Navy. Tinayuan at nilabanan nila ang mga bagay na tingin nila ay disadvantageous sa serbisyo sa paniniwalang papanigan sila ng nakakarami.

Sa bawat pagkakataon, paulit-ulit nilang sinasabing malalagay sa alanganin ang Navy ‘pag pumayag tayo sa kagustuhan ng kontraktor. Subalit ang di nila inaasahan, mismong Flag Officer-In-Command na Vice Admiral o Lieutenant General ay kayang tanggalin sa pwesto.

Sila pa kaya na ordinaryong opisyal lamang at the bottom of the food chain? Sino pa ang sasandalan nila para malayang marinig ang kanilang saloobin na hindi malagay sa alanganin ang kanilang buhay at karera?

Kaya naman ako naghain sa kamara ng resolusyong imbestigahan ang FAP para mailabas ang katotohanan at magkaroon ng avenue na maipahayag ng mga nauukulang opisyal ang kanilang hinaing. Kailangan lamang na malaya silang makapagpahayag at hindi ginigipit na sabihin ang katotohanan.

Subali’t nakakapuot lamang na ilang beses na pinatawag ang mga opisyales na ito pati na rin sa Malakanyang upang turuan kung ano ang sasabihin sa FAP hearing na gaganapin. Sinasanay sila kung ano lang ang pwedeng sabihin. Ramdam ko ang kalagayan nila.

Huwag nating hayaan na dumating ang pagkakataon na sa publiko sila magpahayag ng kanilang sama ng loob. Ibang klaseng protesta ang kaya nilang gawin. Huwag sanang mangyari iyan at hindi ko minumungkahi na gawin nila iyon. But believe me, it happened to us before. We were advised by some senior officers not to stage a protest but our passion and rage took over.

That was beyond the promise of a colorful career in the AFP due to excellent achievements in the service both in combat and academics, beyond the promise of a better future for my family because I was newly wed and a future father to twins, beyond the hope of receiving my medal for valor award, and anything that will advance me personally.

In fact, noong kadete pa lamang kami sa isang press conference sa aming Southern Cruise natanong ako kung ako ba ay sasali sa isang pag-aklas balang araw katulad ng nangyari noong 1989 Coup. Maliwanag ang aking tugon. “Hindi kailanman”. But I found myself joining both the Oakwood and Manila Penn incidents in 2003 and 2007 respectively.

Nais ko lamang banggitin na hindi sa sweldo, promotions, pwesto o materyal na bagay lamang nabubuhay ang isang sundalo. No amount of these things. Siya ay nabubuhay lalo na para sa dignidad ng serbisyo at sa pagmamahal sa bayan.

 

 

Ang tanong: Maliban kay Magdalo Rep. Alejano, sino pa kaya ang dapat nating paniwalaan na government officials sa panahon ni Duterte?

 

Previous ArticleNext Article