Government

Salamat, Defense Secretary Delfin Lorenzana, for defending Rappler reporter Pia Ranada

Salamat, Defense Secretary Delfin Lorenzana, for defending Rappler reporter Pia Ranada

Lubos ang ating pagpapasalamat kay Defense Secretary Delfin Lorenzana for defending Rappler reporter Pia Ranada from the alleged threats issued by Presidential Security Group (PSG)  Brigadier General Lope Dagoy.

Napaka level-headed talaga ni Lorenzana, despite being a Duterte trusted official, for saying that the PSG has “no right to harm Rappler’s people.”

“That remark is uncalled for and really off the mark. Whatever Rappler’s offense, the PSG [has] no right to harm Rappler’s people [or] threaten them,”

Ito ang sabi ni Lorenzana after Dagoy reacted that Rappler reporter should be thankful na hindi siya “sinaktan” after she questioned a PSG officer on duty kung sino ang nagbigay ng order sa kanya para hindi sya makapasok sa Malacanang.

“Huwag ninyo ganunin, sumusunod sa orders lang ‘yan. Pasalamat kayo hindi kayo sinaktan sa pagbabastos na ginawa ‘nyo,” ito sumbat ni Dagoy on Tuesday.

Sa kalaunan, nalaman natin kung sino ang nag utos at ano ang dahilan on why Ranada couldn’t enter the Palace  to do her reporting job.

Mula kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalaman natin that Pres. Duterte himself ordered that Rappler reporter will no longer be allowed to enter Malacanang Palace.

“Hindi lang pupuwede magkaroon ngayon ng access sa Presidente dahil bwisit sa kanya ang Presidente,” 

“Bwisit sa kanya ang Presidente.”

Ito ang sabi  ni Roque on Wednesday over radio station DZMM.

“Pero ang Presidente rin ang nag-utos noong alas dos ng hapon na talagang hindi na pupuwede ang Rappler sa Malacañang dahil nawalan na nga ng tiwala ang Presidente diyan sa Rappler,” Roque said.

Ang tanong: Paano kaya kung ang taumbayan, na syang tunay na nagmamay-ari ng Malacanang Palace, ang mabubuwiset naman kay Duterte?

Previous ArticleNext Article