Government

Totoo ba na nag-panic ang Palasyo over Bong Go and P16-B Frigate anomaly?

Totoo ba na nag-panic ang Palasyo over Bong Go and P16-B Frigate anomaly?

While Senator Antonio Trillanes IV said that Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go was “just a messenger” when he got linked with the alleged P16 billion frigate deal, it also looked like the Malacanang Palace is on a panic mood in terms of defending itself from an impending worst-case scenario.

“He is not the mastermind. People who know Secretary Go knows that he is a messenger. He is a loyal subordinate. He doesn’t do stuff on his own. He is the gatekeeper to the President,” sabi ni Trillanes sa ANC.

“The white paper is the position paper of Hanwha, the other CMS (Combat management system) that was not chosen by the navy. It is a form of lobbying…Kung ano’ng inferior ‘yun ang kinukuha. In essence, dahil kikita ng mas mas malaki ‘yung contractor. I’m not ready to go that point na money changes hands but di tayo pinanganak kahapon,”

Trillanes added.

 

But during the hearing, Sec. Go defended himself na wala syang mali na ginawa and that what he did was “a mere routinary endorsement which is one of the thousands of complaints we endorse as part of PRRD’s (Duterte’s) agenda to open up the gates and ears of Malacañang to all complaints against public officials and against the bureaucracy.”

Kung ganoon, bakit nagkakandarapa ang Palasyo in discrediting Inquirer at Rappler which only reported about the alleged anomaly?

“Kung walang tinatago si Bong Go, dapat di ito matakot maimbestigahan,” ito din ang reaction ni Tonyo Cruz, isang tanyag na manunulat at aktibista.

BASA:

 

TAKE 5 ON BONG GO:
PANIC SA PALASYO

Di maitago ng Duterte Dictatorship ang panic nito sa anomalyang kinasasangkutan ni Sec. Bong Go.

1. Walang nagpapatunay na inosente si Bong Go maliban kay Bong Go.

2. Napakaposible na may anomalya dahil high-profile na Presidential Assistant si Bong Go. Napakaposible na di lang sya nagseselfie. Posibleng ginagamit nya ang unrivaled access sa presidente para mangurakot. Makakapangurakot lang ang isang opisyal pag may kapangyarihan ito o may appearance na may kapangyarihan sya.

3. Walang kahihiyan ang mga “best and brightest” na cabinet members na sumama sa Senate hearing para ipakita ang suporta sa Presidential Assistant. Parte ba ng trabaho nila yun? Pero ang mahalaga, pinakita nila na ganun kaimportante at kamakapangyarihan si Bong Go — bagay na di malayong nagagamit sa graft, corruption at abuse of power.

4. Nakasalalay ang pagdepensa ng diktadura kay Bong Go sa pagbira kay Pia Ranada at sa Rappler. Pinapalabas nila na ang isang news report tungkol sa corruption ay fake news. Kailangang masira si Ranada at Rappler para mailigtas si Bong Go. Takot na takot si Bong Go at nagmatapang sa Senado pero mukhang duwag naman dahil napapaligiran ng cabinet members. Nanghakot pa ang DDS para sa rally, samantalang di maipaliwanag ang isyu.

5. Delikado ang diktadurang Duterte kasi nakikita ng mga nasa Navy at iba pang services ng AFP ang anomalya ng mismong alalay ni Duterte. Sindak na sindak ang diktadura na malantad na pinagkakaperahan ni Bong Go ang Navy at AFP. Anniversary pa naman ng EDSA uprising, kung saan tumalikod ang mga sundalo sa diktadurang kawatan.

Ika nga ng DDS: Kung walang tinatago si Bong Go, dapat di ito matakot maimbestigahan.


Ang tanong: Bakit nakakabahala ang isyu na kinasasangkutan ni Bong Go sa pamamalakad ni Pres. Duterte sa ating bansa?

Previous ArticleNext Article