Government

Bakit kailangan natin na magpasalamat sa University of the Philippines sa kanilang EDSA walkout against dictatorship, EJK, and Duterte’s Cha-cha

Bakit kailangan natin na magpasalamat sa University of the Philippines sa kanilang EDSA walkout against dictatorship, EJK, and Duterte's Cha-cha

Malaki ang ating pasasalamat kay UP Chancellor Michael Tan for endorsing the student walkouts on Feb. 23 against dictatorship and the multi-sectoral mobilization on Feb. 24 to fight charter change of the Duterte administration.

Sa kanyang memo, hinikayat ng UP ang lahat na students and organizations to attend the mass actions.

“Kudos to UP Diliman Chancellor Michael Tan for this! Learning should never be confined in the four walls of the classroom, in fact much learning happens outside when we take on cause which are much bigger than ourselves!” ito ang reaksyon ng isang civil society leader na si Harvey Keh.

“ENABLE THEM to participate, witness, get involved in history-making activities out of the classroom,”

Ito naman ang sinasabi ni Marne Kilates, isang tanyag na makata at manunulat.

“Mga mahal naming taga UP… students, faculties and alumni.. this is one of you trainings outside your classrooms .. to express your freedom unviolently and intelligently,” sabi naman ng isang netizen.

Tama at kaaya-aya ang panawagan ni Chancellor Tan when he said that “we need to encourage our students to participate in the activities as part of their education.”

Kailangan ng ating mga estudyante na maintindihan at makilahok sa mga social issues ng bansa bilang isang mamamayan. Walang saysay ang iyong karunungan kapag sa loob ng classroom mo lang ito magagamit.

Kung ikaw ay sang magulang na may estudyante sa UP, kailangan mong magpasalamat sa adhikain na ito upang mamulat ng maaga ang iyong anak sa mga maling pangyayari sa kanyangn paligid.

We need vigilant students to have a strong nation.

Sa gagawin ng UP, naging sulit ang ating buwis dahil ang maging kapalit nito ay magkaroon tayo ng mga estudyante and future leaders who are smart, idealistic, at may pagmamahal sa bayan at kapwa tao, at hindi mga sunod-sunuran lamang sa mga palpak at maling sistema ng bansa under Duterte.

If we remember, UP students also took to the streets against Arroyos, Estradas, and Aquinos. Ibig sabihin dito, wala silang pinipili na personality. Ang mahalaga para sa kanila ay ang katotohanan.

“I have participated in some of the activities and am disturbed, realizing that we live not only in an age of fake news but of silence, particularly in relation to human rights violations in Mindanao,” sabi ni Chancellor Tan.

“People should go beyond protest actions and be able to propose concrete alternatives. That is what we are trying to do with a UP education”

Kasama na sa mga issues that need attention ng bansa ay ang human rights, extra-judicial killings, constitution change and federalism, martial law in Mindanao, the crisis in mass transport, to name a few under Duterte.

“As we move toward commemorating the 32nd anniversary of the EDSA revolt, we recognize how troubling and uncertain the times are, marked by what the psychologist Leon Festinger called ‘cognitive dissonance,'” Tan wrote.

“Our young in particular are vexed by the sharp discrepancy between what we teach in schools about morality and democracy and by what they see in practice,”

Sabi ni Tan.

According to Tan, cognitive dissonance, leads us to apathy o kawalang-interes and profound anomie or a loss of a sense of purpose in life.

“In others, it leads to anger and an attraction to extremism, demagoguery and populism for answers,” Tan said.

Ang tanong: Ano kaya ang iyong dahilan kung bakit hindi ka dadalo sa 32nd anniversary of the “bloodless” EDSA People Power revolution?

 

Previous ArticleNext Article